GINIBA ng Enderun College, sa pangunguna nina Shaina Kate Marcos, Joylyn Pangilinan at Abi Manzanares, ang Rizal Technological University, 74-65, kahapon para makalapit sa inaasam na korona sa women’s division ng NAASCU Season 17 basketball tournament sa San Andres Sports Complex sa Malate, Manila.

Hataw sina Marcos at Pangiliinan sa naiskor na tig-16 puntos, habang kumubra si Manzanares ng 14 puntos at 10 rebounds para sa Lady Titans sa Game One ng kanilang best-of-three titular series.

Target ng Enderun na kumpletuhin ang dominasyon sa RTU sa game Two sa Huwebes ganap na 2 ng hapon. Kung sakali, nakatakda ang Game Three sa Oct. 13.

Nanguna sa Lady Thunder si Jeremiah Yonzon na may 17 puntos, habang tumipa si Crislyn Mier ng 14 puntos at siyam na rebounds.

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

Naglalaban ang defending champion St. Clare College-Caloocan at De Ocampo Memorial College sa seniors title, habang duwelo ang St. Clare at Our Lady of Fatima University sa juniors diadem.

Si PBA legend Pido Jarencio ang league commissioner.

Iskor:

Enderun (74) - Marcos 16, Pangilinan 16, Manzanares 14, Rodriguez 9, Callangan 6, Calang 4, Gonzalez 4, Pumaren 3, Geli 2

RTU (65) - Yonzon 17, Mier 14, Caneles 8, Castillano 6, Belicana 6, Faraon 6, Ayhon 4, Dionisio 2, Mantos 2

Quarterscores: 16-14, 40-26, 61-44, 74-65.