Ni: Liezle Basa Inigo

Nababahala ang pamahalaan ng Cagayan na baka makaapekto sa ekonomiya ng lalawigan ang patuloy na karahasang inihahasik ng New People’s Army (NPA).

Ayon sa provincial information office ng Cayayan, nangangamba si Gob. Manuel Mamba na magsilipatan ang mga mamumuhunan dahil sa kaguluhan.

Ito ang naging reaksiyon ng gobernador sa panununog ng mga hinihinalang kasapi ng NPA sa ilang heavy equipment ng DDT Konstract sa Barangay Dungeg, Sta. Teresita, Cagayan, noong nakaraang Sabado.

National

Dela Rosa at Marcoleta, binisita si OVP Chief of Staff Zuleika Lopez sa ospital

Ikinalulungkot ng gobernador na ang karahasan ay maaring magdulot ng takot sa mga nagmamalasakit na negosyante’t mamumuhunan na ibig tumulong sa pag-angat ng kabuhayan ng mga mahihirap na Cagayanos.