Ni NOEL D. FERRER
(HULING BAHAGI)
NAUNA ang Booky head na si Ben Wintle sa Sonya’s Garden noong Linggo. Kasama niya ang kanyang ina na si Friday at kapatid na si Ralph.
Buong akala ni Iza Calzado ay isang simpleng Sunday lunch lang ito na medyo espesyal dahil kasama ang kapatid niyang si Dash at ang pamilya nito pati na ang kanyang tita na itinuturing niyang pangalawang ina.
Medyo umaambon sa Sonya’s Garden pero hindi alintana ng lahat, rain or shine, tuloy ang proposal sa junction ng isang villa.
Big deal ang pagpopolo ni Ben dahil madalas na kaswal lang siyang manamit kaya palaging napagsasabihan ni Iza na magbihis naman ng espesyal maliban sa kanyang signature V-neck white shirt. Hindi alam ni Iza na nagbaon ito ng polo sa kotse kaya pagkakita niya kay Ben sa Sonya’s Garden ng bandang 12:30 PM ay nagulat siya dahil naka-japorms ang afam na boyfriend.
Dahil clueless sa mga mangyayari, hindi na nakapag-ayos o lipstick man lang pero napakaganda pa rin ni Iza kahit medyo pansin sa kanyang boses na maysakit siya at may ubo pa.
“Gusto kong ikaw lamang ang makasama kong kumain at sumayaw habang buhay. Mahal kita,” sabi ni Ben sabay labas ng singsing na patawang kinilatis muna ni Iza at sinabing - totoo ang singsing - at saka na naiyak.
Nakakatuwa rin na sa proposal na naganap, nakita rin kung gaano kagiliw sina Ben at Iza sa pets at meron talagang umeksenang aso habang ginaganap ang seremonya.
Kitang-kita na kuwela ang couple na hindi alam kung saan isusuot ang singsing. Sinabi na lang ng nanay ni Ben na sa kaliwang ring finger ito dapat isuot.
Bago nag-yes si Iza, may nakakatuwa siyang kundisyon para kay Ben. Ang sabi niya, “I will only say yes if you promise that you will take a shower before going to bed,” pa-cute na pagkakasabi ni Iza na sinagot naman ni Ben ng, “of course!”
Tapos hayun na, nagpalakpakan na at nag-cheer ang lahat.
Nag-joke nga sina Rajo Laurel na ilabas na raw ang traje de boda at ituloy na ang hair and make up para segue na sa wedding doon ora mismo! Para tipid na sa set up sa Sonya’s Garden.
Panay ang tawanan ng nagkasayang guests with matching healthy lunch na very Iza Calzado.
“It’s been a happy day. Sabi ko, Sonya’s Garden o The Farm lang talaga ---maganda ang backdrop, okay mag-picture taking. Medyo nakakasenti nga dahil the last time we were complete was when my dad was still around at iba pa ang boyfriend ko nu’n. At least now. we have new family pictures with all of you whom we consider as family, already.
Thank you and see you sa wedding!” sabi ni Izadora.
Kailan nga ba ang wedding? Malamang next year naman. Dahil nang tanungin ko ang magkasintahan kahapon, parang gusto pa nilang namnamin ang bagong estado nila bilang engaged couple. #nagsusumixteen
Mula sa amin dito sa Balita, Happy Engagement Ben at Iza!
(Erratum: Si Noel Ferrer din ang sumulat ng report kahapon na naipangalan kay Reggee Bonoan. Si Noel ang manager ni Iza.)