Ni: Fer Taboy

Mahigit 60,000 pulis at sundalo ang ipakakalat sa Metro Manila at Central Luzon upang matiyak ang seguridad ng mga delagado ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Nobyembre 10-14 sa Clark, Pampanga at sa Maynila.

Ayon kay Chief Supt. Amador Corpus, Regional Director ng Police Regional Office-3, nakatakdang mag-duty ang mga pulis at sundalo sa katapusan ng kasalukuyang buwan.

Sa nasabing bilang, 80 porsiyento ang ipakakalat sa Metro Manila.

Matatandaang kinumpirma ni US President Donald Trump ang kanyang pagpunta sa Pilipinas, kasama ang mahigit 20 world leaders, upang dumalo sa summit.

ATOM, umalma sa ibinasurang kaso vs. pamilya Marcos