Untitled-1 copy

Nina Beth Camia at GENALYN D. KABILING

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dismissal order laban sa dalawang mataas na opisyal ng pulisya na kabilang sa limang opisyal na kanyang pinangalanang “narco generals.”

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, noong Huwebes pa nilagdaan ng Pangulo ang order na nagsisibak kina Chief Supt. Edgardo Tinio, na dating pinuno ng Quezon City Police; at Director Joel Pagdilao, na dating hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Human-Interest

Patok na tindero ng fried chicken, ibinahagi sikreto ng negosyo niya

Ang pagsibak kina Tinio at Pagdilao ay nag-ugat sa umano’y pagkakasangkot sa ilegal na droga.

Hindi pa masabi ni Abella kung maliban sa kasong administratibo ay mahaharap din ang dalawang opisyal sa kasong kriminal.

Sinabi ni Abella na may ebidensiya na sina Tinio at Pagdilao “deliberately refused, without cause, to perform their duties as police officers resulting in the proliferation of the drug trade in their areas of jurisdiction.”

Hulyo 2016 nang paratangan ni Duterte ang dalawa na kasama sa mga pulis na nagkakanlong ng drug personalities.

Kapwa itinanggi nina Tinio at Pagdilao ang paratang.