Laro Ngayon (San Andres Sports Complex)

12 n.t. -- Enderun vs RTU (W)

2 n.h. -- OLFU vs St. Clare (J)

4 n.h. -- De Ocampo vs St. Clare (S)

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

TARGET ng St. Clare na magtayo ng dynasty, habang target ng De Ocampo na masungkit ang titulo sa kanilang ikalawang season sa pagpalo ng NAASCU Season 17 men’s basketball championship.

Sisimulan ng defending champion na St. Clare College-Caloocan at Dr. Ocampo Memorial College ang best-of-three title showdown ngayon sa San Andres Sports Complex sa Manila.

Nakatakda ang laban ganap na 4:00 ng hapon.

“We’ll do our best (to win the title). The boys are focused on only one goal even before the start,” sambit ni St. Clare coach Jino Manansala, asam ang ikalawang titulo sa Caloocan-based Saints sa loob ng anim na taon.

“It’s a different ballgame now, but we have to continue to bring our best,and dethrone the defending champions” pahayag naman ni De Ocampo Coach Ronnie Dojillo.

Sasandig ang St. Clare kina reigning NAASCU MVP Aris Dionisio, Pareng Rebugio, Junji Hallare, Earvin Mendoza, Irven Palencia, Joshua Escober, Mark Puspus, Raymond Rubio, Russel Fuentes, Michael de Leon, CJ Catura, Nash Gonzales, Raymart Lumabas, Joy de Mesa, Nico Principe at Republic of Mali exchange student na si Mohamed Pare.

Pambato naman ng De Ocampo sina Dahrrel Caranguian, Jhonard Clarito, Igi Boy Sabasaje, Raymart Atabay, Redel Fabro, Tyrone de la Cruz, Peter Manalang, Angelo Ramos, Brian Gallardo, John Pascual, EJ Canelas, Arnel Gutierrez, Japhet Montojo, Jomar Wenceslao at Harold Lescano.

Kapwa nanguna ang St. Clare at De Ocampo sa kani-kanilang grupo matapos ang elimination round kung saan naitala ng Saints ang 6-1 karta, habang winalis ng Cobras ang seven-game elims sa Group B.

Ginapi ng St. Clare ang Enderun College, 95-63, sa quarterfinals at Colegio de San Lorenzo, 77-74 at 78-70 sa semi-finals, habang nanaig ang De Ocampo sa Philippine Merchant Marine School, 102-97, sa quarterfinals at St. Francis of Assisi College, 75-73 at 81-65, sa semis.

Magtutuos naman ang Enderun College at Rizal Technological University sa 12:00 ng tanghali para sa ikatlong puwesto, habang magsasagupa ang St. Clare at Fatima University sa junior final dakong 2:00 ng hapon.