Matapos ang sunud-sunod na linggong pagtaas sa presyo ng petrolyo, may aasahang oil price rollback ang mga motorista ngayong linggo.
Sa taya ng Department of Energy (DoE), posibleng bumaba ng 90 sentimos ang presyo ng kada litro ng kerosene, 75 sentimos sa gasoline, at 55 sentimos sa diesel.
Ang nagbabadyang bawas-presyo sa petrolyo ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Malimit ipinatutupad ang price adjustment sa petrolyo tuwing Martes.
Sa datos ng DoE, ang bentahan ng gasolina ay nasa P40.30 hanggang P48.68 kada litro, habang P31-P36.53 naman sa diesel. - Bella Gamotea