Iginiit ni Senador Grace Poe na hindi dapat magtaas ng passport fee ang Department of Foreign (DFA) dahil isa ito sa mga ipinangako nila nang ilatag ang planong 10-taong passport validity.

Sinabi ni Poe na ikakasa niya ang “anti-passport price increase” sa 2018 provision ng panukalang P19.56 bilyon budget ng DFA para matiyak na hindi tataas ang singil sa pagkuha ng bagong pasaporte.

“We can add one line which stipulates that the allocation is subject to the condition that the amount DFA will charge for a 10-year passport will not be increased and will remain the same as the fee for the current five-year passport,” ani Poe.

Sa kasalukuyan, P950 ang singil sa “regular” na pasaporte o ipoproseso sa loob ng 15 araw, at P1,200 naman sa “express” na makukuha sa loob ng pitong araw. - Leonel M. Abasola

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'