NAGKUWALIPIKA si Nicole Marie Tagle sa 2018 Youth Olympic Games nang makapagtala ng matikas na marka sa World Archery Youth Championship kamakailan sa Rosario, Argentina.

Tumapos si Tagle sa ikasiyam na puwesto sa main event na bahagi ng qualification para sa Youth Olympic Games sa Buenos Aires. Umabot siya sa fourth round ng knockout stage, sapat para magkuwalipika sa secondary qualification.

Umusad si Tagle, silver medalist sa nakalipas na 29th SEA Games sa Kuala Lumpur, sa knockout round ng main tournament matapos pumuwesto sa ika-11 tangan ang iskor na 653. 33 sa likod ng nangunang top-seed na si San An ng Korea.

Nanguna ang 15-anyos na si Tagle sa secondary qualification nang gapiin si Uehara Ruka ng Japan, 7-3, sa final matapos magwagi kay Sogand Rahmani ng Iran, 7-3.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?