Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na nilikha ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) upang tumulong at hindi para imbestigahan ang Ombudsman.

Ito ay matapos sabihin ng mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte na sa paglalagda sa Executive Order (EO) No. 43 na lumilikha ng PACC ay tinatangka ng Pangulo na takutin ang kanyang mga kritiko.

Ayon kay Panelo, matagal nang nakaplano ang paglikha ng PACC at ang paglalagda sa EO ay nagkataon lamang na sumabay sa pahayag ng Pangulo na lilikha siya ng isang komisyon para imbestigahan ang Ombudsman.

Nilinaw niya na ang PACC ay magsisilbing katuwang ng Office of the Ombudsman (OMB), at tutulong sa Pangulo na alisin ang mga kurakot sa pamahalaaan.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“If you notice, there are many complaints on the individual handling of cases. Perhaps because there are so many cases filed in that office [Ombudsman] and they are lacking in personnel. So effectively this commission will help the Ombudsman,” ani Panelo. Idinagdag niya na ang iimbestigahan ng PACC ay ang mga alegasyon ng kurapsiyon laban sa presidential appointees maging ng mga nasa labas ng Executive Branch, ngunit hindi kasama rito ang impeachable officials.

Nauna nang ipinaliwanag ni Executive Secretary Salvador Medialdea na walang hurisdiksiyon ang PACC sa Ombudsman, Supreme Court Chief Justice, o alinmang Constitutional bodies. - Argyll Cyrus B. Geducos