Ni Marivic Awitan

BUMALIKWAS mula sa pagkakaiwan sa decider set ang National University upang maigupo ang Arellano University, 25-17, 26-28, 17-25, 25-13, 20-18, at makausad sa Premier Volleyball League (PVL) Collegiate Conference finals nitong Sabado, sa Fil Oil Flying V Centre sa San Juan.

Mula sa malaking fourth set win para maipuwersa ang fifth frame, napag -iwanan pa ang Lady Bulldogs ng Lady Chiefs sa end game, 10-14.

Dito na nag-takeover ang NU team captain na si Jaja Santiago at umiskor ng apat na sunod na puntos upang itabla ang laro.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nakadalawang puntos pa ang The Lady Chiefs ngunit nakabawi rin agad ang Lady Bulldogs hanggang sa tapusin ni Jasmine Nabor ang laro.

Nakumpleto ng NU ang 7-game sweep at umusad sa ikatlong sunod nilang finals appearance ng Collegiate Conference.

Tumapos si Santiago na may 28 puntos na galing sa 21 attacks at 7 blocks habang nagdagdag naman si Nabor ng 12 puntos at 47 excellent sets.

Nanguna naman si Jovielyn Prado para sa Lady Chiefs sa itinala nitong 20 puntos, 16 digs, at16 excellent receptions.

Sa naunang laro, nakapuwersa naman ang Far Eastern University ng rubber match matapos itabla ang serye nila ng Abandon sa pamamagitan ng 21-25, 27-25, 25-20,23-25,15-11 panalo sa Game 2.

Pinangunahan ni Czarina Carandang ang nasabing panalo ng Lady Tamaraws sa itinala nyang 15 hits, 3 blocks at 2 aces.

Sinamantala din ng Tamaraws ang 43 errors ng Lady Falcons para makahirit ng knockout Game 3 na gaganapin ngayong hapon sa parehas ding venue.