WARSAW (AP) – Isang Polish organization ang nagdaos ng unang international edition ng isang beauty pageant para kababaihang naka-wheelchair sa layuning baguhin ang pananaw ng mga tao sa mga may kapansanan.
Ang kandidata ng Belarus ang nagwagi ng Miss Wheelchair World sa Warsaw nitong Sabado ng gabi. Runner-up si South Africa at second runner-up si Miss Poland.
Ang event ay inorganisa ng Only One Foundation, itinatag ng dalawang babaeng may kapansanan sa layuning mabasag ang barriers na naglilimita sa mga taong may kapansanan, at ng Warsaw city government. Matapos ang apat na edition ng Miss Poland Wheelchair, ang pageant nitong Sabado ay nagmamarka ng pagsisikap na maging global.
Idiniin ng oganisasyon na ang bawat babaeng naka-wheelchair ay may karapatan “to be whoever she wants and to feel beautiful.’’