Nagpahayag ng suporta ang Philippine National Police (PNP) sa proyekto ng sistema ng dropbox sa pagsusuplong ng mga sangkot sa ilegal na droga sa isang komunidad, na isinusulong ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Ayon kay PNP chief Director General Ronald dela Rosa, paiigtingin ng dropbox system ang intelligence-gathering sa kampanya ng gobyerno kontra droga.

“That’s good because we will be coming up with information that we would not be able to obtain through other means because the people are really afraid to give information,” ani dela Rosa.

Plano ng DILG na isulong ang proyekto para sa pagpapalawak ng intelligence network sa drug war.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Sa nasabing sistema, hinihimok ang mga residente na isulat sa papel ang mga pangalan ng mga kilala nilang adik at tulak sa kanilang komunidad, at ihuhulog ang nasabing papel sa kahon, at PNP na ang bahala.

Nilinaw naman ni dela Rosa na masusi nilang bubusisiin ang mga impormasyong ibibigay ng mga residente.

“Hindi naman ibig sabihin na lahat ng inilalagay sa drop box ay ikino-consider natin na totoo. That is why we have to validate that report,” ani dela Rosa. “At least meron tayong starting information to start off our search for more information.” - Aaron Recuenco