Ni: Mary Ann Santiago

Dahil sa kawalan ng business at sanitary permit, ipinag-utos ni Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada ang agarang pagpapasara sa dalawang punerarya sa Tondo, Maynila.

Kabilang sa ipinapasara ni Estrada, alinsunod sa rekomendasyon ng Manila Health Department (MHD)-Division of Sanitation sa Bureau of Permits, ay ang Punerarya San Rafael at Corazon Memorial Services.

Sa ulat ni MHD chief Dr. Benjamin Yson, sinabi ni Estrada na hindi sumunod sa panuntunan ang dalawang punerarya.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

“Kung may ebidensiya, ipasara,” pahayag ng alkalde sa isang panayam.

Nauna rito, ipinag-utos ni Estrada ang crackdown sa mga punerarya sa lungsod upang mapangalagaan ang kalusugan ng publiko.

“We are only trying to avert some sort of a major health risk by ordering the closure of these ill-maintained funeral homes. I want immediate action,” ani Estrada.