“Make sports accessible to all, involve our youth in sports.”

Ito ang direktibang iniatas kay Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“From the very beginning our direction is clear,” paliwanag ni Ramirez na mula nang maupo muli bilang PSC chief ay naglunsad na ng mga proyekto na Children’s Games, Indigenous Games at muling pagbuhay sa Philippine Sports Institute (PSI) bilang tugon sa iniatas ni Duterte.

Kasunod ng ginawa nilang pagtitipon ng iba’ -ibang grupo na may kinalaman sa school sports noong nakaraang taon, magpapatawag uli ang PSC ng dalawang araw na conference para sa stakeholders ng collegiate sports upang pag-usapan ang mahabang listahan ng mga isyu at iba pang may kaugnayan dito.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Tatawaging National Consultative Meeting for Collegiate Sports, ang pagtitipon ay magaganap sa Philsports Multipurpose Arena in Pasig City sa Oktubre 17 -18 sa layuning mapalakas pang lalo ang sports sa collegiate level.

Inimbitahan sina Executive Secretary Salvadador Medialdea, Presidential Advisor for Sports Dennis Uy, Congressman Conrado Estrella, Congressman Mark Zambar, at Congressman Monsour del Rosario ng Committee on Youth and Sports, upang dumalo sa komperensiya na nagtatampok kay Senador Sonny Angara bilang keynote speaker.

“We should not stop asking where and how we could help. We should follow through,” pahayag ni Ramirez na tinutukoy ang naganap na konsultasyon at pakikipagpulong sa mga lider at namamahala ng mga school at collegiate sports noong nakalipas na taon.

Tinatayang magkakatipun-tipon ang mga kinatawan ng may 140 schools, colleges, universities at athletic associations kasama ng mga kinatawan ng PSC, ng Kongreso gayundin ng Malacañang sa nasabing okasyon na magpapatuloy para palakasin ang school sports at mapalawak ang kaalaman ng kabataan sa sports. - Marivic Awitan