Ni LYKA MANALO

NAGPAKITANG gilas ang mga Batangueñong pintor sa pagpipinta ng iba’t ibang obra gamit ang kape at itinampok ang mga ito sa isang exhibit sa SM City Batangas.

IMG_4363

Naging bahagi ng pagdiriwang ng Coffee Festival and Music noong Setyembre 25-30 ang Coffee Painting na pinangunahan ng Grupo Sining Batangueño.

Human-Interest

Doktor, may babala sa mga gumagamit ng cotton buds, palito ng posporo sa paglilinis ng tenga

Ayon kay Lea Ireneo de Chavez, public relations manager ng SM City Batangas, nagsagawa ng demo ang mga pintor na nasaksihan ng mga estudyante at mall shoppers na ang iba ay nakapag-uwi pa ng paintings na ipina-raffle ng artists sa pagbubukas ng exhibit.

Isinagawa ang coffee painting exhibit upang ipakita ang kahalagahan ng kape sa buhay ng tao sa araw-araw mula saalmusal, tanghalian, meryenda, meetings at iba pang okasyon.

Sinuportahan ang Coffee Festival ng Batangas Provincial Tourism Office at ng Provincial Culture and Arts Council.

Grupo Sining Batangueño

Ang Grupo Sining Batangueño ay binubuo ng mga pintor na naninirahan sa iba’t ibang panig ng lalawigan ng Batangas.

Ayon sa beteranong pintor na nagtatag ng grupo na si Lino Acasio mula sa Lemery, nilikha ang grupo upang makatulong sa bawat artist na nagnanais ipakilala ang kanilang mga obra.

Sa kasalukuyan ay may 40 miyembro na ang grupo at mananatiling bukas sa mga Batangueño artist.

“Natutulungan namin sila na ma-improve pa ‘yung mga gawa nila pero kadalasan hindi mo na sila kailangan pa turuan, meron talagang mahuhusay kahit bago pa lang nagpipinta” ayon kay Acasio.

Sa pamamagitan ng grupo, nakikilala ang mga artist sa paglahok sa iba’t ibang exhibits at kompetisyon sa buong Pilipinas maging sa ibang bansa.

Marami rin sa ginamit sa exhibit ay gawa ni Acasio na nagsabing isa ang kape sa pinakamurang gamitin sa isang obra.

“Kung artist ka na walang pambili ng materials p’wede mo gamitin ang kape kaya lang one color lang, ‘yung sepia, p’wedeng gamitin ang kapeng barako o kahit yung isang instant coffee (sachet) p’wede ka na makagawa ng isang painting” ayon kay Acasio.

Dapat din aniyang ingatan ng maayos ang painting na gawa sa kape na posibleng hindi magtagal dahil sa amoy nito at sa pagkakaroon ng moisture lalo na kapag nainitan.

Ayon naman kay Bill Perez, project manager ng exhibit, malaking tulong na ngayon ang makabagong teknolihiya upang hindi masira at magtagal ang mga painting na gawa sa kape.

“If you paint with coffee hindi ‘yan tatagal, ‘pag iniwan ang papel baka kainin ng ipis at langgam pero sa modern world ngayon when you have the coffee art, puwede mo siya lagyan ng fixative covering the artwork parang naglagay ka ng nail polish para ‘di mabura so p’wede na siya mag last, dapat hindi magka-moisture kasi masisira ang artwork, at sealed yung pagkakalagay sa frame” ayon kay Perez.