RATSADA ang mga kalahok sa Powerman.   (MB photo | Rio Leonelle Deluvio)
RATSADA ang mga kalahok sa Powerman.
(MB photo | Rio Leonelle Deluvio)

CLARK Freeport Zone — Nakopo ni Thomas Bruins ng The Netherlands ang Powerman Classic Elite sa tyempong dalawang oras, 57 minuto at 28 segundo kahapon dito.

Bumuntot si Matt Smith ng Australia sa 10km run, 60km at 10km run sa tatlong oras, pitong minuto at 46 segundo, habang pangatlo ang Pinoy na si Emmanuel Commendador (3:09:20).

“I executed my race plan perfectly. It’s a really hot race but no one gave up. I’m really happy,” sambit ni Bruins.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“Filipinos are very fast and strong runners. This race is the best Powerman, I really enjoyed it. It’s really a good race,” aniya.

Nanguna si local bet Miscelle Gilbuena sa women’s Classic Elite race sa tyempong 3:39:34, kasunod si Alexandra McDougall ng Australia in 3:40:44.

Nakopo naman ni Jarwyn Banatao ang Short Elite category (1:24:01), kontra kay Jason Loh ng Malaysia (1:25:26), at Cipriane John Topia ( 1:27:04).

“Kamuntik na akong tumigil talaga sa likod niya, pero pinilit ko lang kasi alam ko bike kaya ko, eh. Pinaghandaan ko ‘yung bike, alam ko maigsi lang. Pero hindi ko in-expect kasi naligaw daw siya sa U-turn kaya umagwat pa ako nang umagwat,” sambit ni Banatao.

Nagwagi si Airi Sawada ng Japan sa Short Elite race sa isang oras, 35 minuto at 19 segundo, kontra kay Bic Ferreria, ng Team Philippines (2:10:19).