NAUNGUSAN ng University of the East ang De La Salle, 69-68, kahapon para makopo ang No. 3 spit sa pagtatapos ng first round elimination sa UAAP Season 80 women’s basketball tournament, sa Mall of Asia Arena.
Nabalahaw ang posibilidad na maagaw ng Lady Archers ang panalo nang sumablay ang open jumper ni Johanna Arciga sa buzzer.
Nanguna si Love Sto. Domingo sa Lady Warriors, sa naiskor na 17 puntos at 15 rebounds, habang tumipa sina Eunique Chan at Joyce Francisco ng tig-13 puntos.
Tangan ng UE ang 5-2 karta sa likod ng defending champion na National University (7-0), at second-running na University of Santo Tomas (6-1).