ASAM ng Malacañang at Department of Justice (DoJ) ang liderato sa Group B, habang haharapin ng Senate ang Bureau of Fire Protection (BFP) ngayon sa 6th UNTV Cup sa Pasig City Sports Center.
Haharapin ng Malacañang ang DoJ ganap na 3:00 ng hapon para makasabay sa Group A frontrunner at defending champion na Philippine National Police (PNP), sa torneo na inorganisa ng UNTV.
Sa pangunguna nina Antonio Tolentino at Olan Omiping, nakuha ng PNP Responders ang ikalawang sunod na panalo nang gapiin ang Department of Health (DoH), 98-91, sa torneo na may nakalaang P4 milyon na premyo, na magiging donasyon sa mapipiling charity institution.
Mangunguna sa Malacañang Kamao sina Eric dela Cuesta at dating University of Sto. Tomas star Christian Luanzon, gayundin si Presidential Assistant Bong Go.
Pangungunahan naman nina Senators Joel Villanueva, Sonny Angara, Manny Pacquiao at ni Marlon Legaspi ang Senate Defenders kontra sa BFP Firefighters, ganap na 5:30 ng hapon.
Sasandigan naman ang Department of Agriculture (DA) si dating PBA star Jimwell Torion kontra sa National Housing Authority Builders bandang 3:30 ng hapon.