Ni: Nitz Miralles

SA episode ng Super Ma’am sa papasok na linggo, magkikita na ang ang characters nina Marian Rivera at Kim Domingo na sina Minerva at Mabelle. Magkapatid sila, pero hindi magkakilala dahil nagkahiwalay noong mga bata pa.

MARIAN AT KIM copy copy

Mapapasubo sa matinding action scene at maraming fight scene si Kim na makikilala sa bagong pangalang Avenir Segovia.

Human-Interest

Lalaki, usap-usapan matapos 'maningil ng utang' sa footbridge

Dumaan sa intense training ng Aerial Yoga, Muay Thai, Pilates at boxing na ibinahagi niya sa Instagram (IG), nakita ng kanyang followers at bumilib sa hardwork niya.

Positive ang comments sa preparasyong ginagawa ni Kim para maging fit siya at para bumagay sa ginagampanang role.

Mukhang sa ginagawang ito ni Kim, ma-a-achieve ang pangarap na makilalang aktres at hindi na lang sexy star na walang alam gawin kundi magpa-sexy.