Ni NITZ MIRALLES
NABALING kay Bb. Pilipinas-International Mariel de Leon ang isyu ng depression na nagsimula kay Joey de Leon dahil sa tweet ng dalaga na, “Depression isn’t a joke. Same last name, but thank God we’re not related. Ew. Shame on him and people who think like him.”
Na-bash si Mariel dahil sa tweet niyang ito. Hindi nagustuhan ng netizens ang comment niya, ang yabang daw niya at walang galang sa nakakatanda sa kanya.
May netizen na nag-comment na itanong ni Mariel kay Joey kung gusto rin ba nitong magkapareho ang apelyido nila. May nag-comment pang sawsawera si Mariel at hindi pam-beauty queen ang mga pahayag.
Ang latest, deactivated na ang Twitter account ni Mariel at ang dating nito sa netizens, hindi niya nakaya ang iba’t ibang comments. May Instagram pa naman si Mariel, pero hindi siya madalas mag-update.
Nag-sorry na si Joey na tinanggap ng publiko, pero mainit pa rin ang isyung binuksan niya lalo’t maraming celebrities ang nagsalita tungkol dito.
Alden Richards: “My mom suffered from bipolar depression all her life when she had us. I know every single detail of it and how she suffered from it.”
Jodi Sta. Maria: “Just because you haven’t experienced it doesn’t mean it is not real. Never ever mock a pain you haven’t endured.”
Samantala, nagpahayag ng suporta at pagmamahal sa ama nila ang mga anak ni Joey na sina Jocas, Jako at Jio. Mahaba ang post ni Jocas, kinuha lang namin ang mas importanteng parte.
Jocas: “We accomplish more together by learning from and kindly educating one another rather than insulting and aggressively offending one another. The important thing, however, is to respect one another and to try to cultivate a positive understanding of one another which would hopefully lead to a productive discussion of the issue at hand.”
Nabanggit ni Jocas na Huwebes ng gabi, nag-meeting ang buong pamilya nila, nagpalitan ng opinion, pinakinggan ang bawat isa, at nauwi nga ‘yun sa paghingi ng apology ni Joey sa mga na-offend at nagalit sa kanya.
“I especially wish well those who have openly expressed their own personal struggles with depression. I hear you. I see you. I understand you. And to my dad @angpoetnyo -- I hear you... I understand you because I KNOW YOU but above all, I LOVE YOU... sooo freaking much!! I will always, always, always be here for you,” patuloy ni Jocas.
Jio: “Take difficult moments to open a discussion and to educate and to talk, instead of throwing hate and bashing and cursing.”
Jako: “Proud of you, @AngPoetNyo. It’s not how we make mistakes but how we correct them that defines us.”