Ni: Reggee Bonoan

EMPOY is the new pogi. Ito ang taguri ngayon kay Empoy Marquez na sunud-sunod ang movie at TV projects pagkatapos tumabo ng P300M ang Kita Kita sa Pilipinas at sa ibang bansa.

EMPOY AT SHY copy copy

Kaya matinding pressure ang bagong pelikula ni Empoy na The Barker na produced ng Viva Films at Blank Pages Productions sa direksiyon ni Dennis Padilla.

Human-Interest

Doktor, may babala sa mga gumagamit ng cotton buds, palito ng posporo sa paglilinis ng tenga

Pero ayon sa handler ni Empoy na si Tin Calawod, mas naunang i-shoot ang The Barker kaysa sa Kita Kita pero hindi lang natapos agad dahil hindi mag-swak ang schedules ni Empoy at ng kanyang leading lady na si Shy Carlos.

Kinabog na ni Empoy ang mga guwapong actor, dahil nalilinya siyang maging leading man ngayon ng magagandang aktres.

Una si Alessandra de Rossi, ngayon naman si Shy, at balita namin may mga susunod pa.

Bukod sa dalawang bida, abala rin si Direk Dennis sa La Luna Sangre bilang tatay-tatayan ni Kathryn Bernardo (nang nagpanggap na si Miyo).

Parehong komedyante sina Empoy at Dennis kaya mabilis ang koneskyion nila sa isa’t isa. Katunayan, tinginan lang ay alam na nila ang mga eksenang gagawin.

“Kahit na this is my first time na magdirek, I never encountered any difficulties naman,” sabi ni Dennis. “Napakagaan na katrabaho ni Empoy. Para nga kaming naglalaro lang sa set. You will see it sa entire movie, ‘yung good vibes, ‘yung fun, everything!”

Kasama nina Empoy at Shy sa The Barker sina Jeric Raval, Wilma Doesnt, Ronnie Lazaro, Janice Jurado, Nonie Buencamino at Sylvia Sanchez.

Mapapanood ang The Barker sa mga sinehan nationwide simula Oktubre 25.