WASHINGTON (AFP) – Magsasama-sama sa entablado ang limang nabubuhay pang pangulo ng Amerika sa huling bahagi ng buwang ito upang lumikom ng pondo para sa mga biktima ng mga bagyong sumalanta sa katimugan ng United States at sa Caribbean.
Sina dating US Presidents Barack Obama, George W. Bush, Bill Clinton, George H.W. Bush at Jimmy Carter ay magkakasamang lalabas sa hurricane relief concert sa Texas A&M University sa Oktubre 21.
Nagsasanib-puwersa ang tatlong Democrats at dalawang Republicans upang makalikom ng pondo para sa mga biktima ng hurricanes Harvey, Irma at Maria.
Magtatanghal sa okasyon, pinamagatang Deep From the Heart: The One America Appeal angAlabama, The Gatlin Brothers, at sina Lyle Lovett, Robert Earl Keen at Sam Moore.
Sa isang pahayag, sinabi ni George W. Bush na ang mga miyembro ng kanyang most exclusive of clubs ay ‘’very grateful to these wonderful performers -- some of them old friends, some of them new -- for giving their time and talent to help the urgent cause of hurricane recovery in Texas, Florida and the Caribbean.’’