Ni BETH CAMIA

Inaprubahan ng panel of prosecutors ng Department of Justice (DoJ) ang mosyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na iatras ang mga isinampang kaso laban sa Mighty Corporation hinggil sa umano’y hindi nito pagbabayad nang tamang buwis.

Sa dalawang pahinang resolusyon, na may petsang Oktubre 2, inaprubahan nina Prosecutors Sebastian Capulong, Jr., Ma. Lourdes Uy at Mary Ann Parong ang motion to withdraw na inihain ng BIR noong Setyembre 26.

Nabatid na inaprubahan na rin ito ni Acting Prosecutor General George Catalan, Jr.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Dahil dito, moot and academic na ang hirit ng Mighty Corporation na muling magsagawa ng imbestigasyon sa mga kasong inihain laban sa kanila.

Magugunitang inireklamo ng BIR ang naturang kumpanya ng sigarilyo dahil sa paggamit ng mga pekeng tax stamps sa pakete ng kanilang mga produkto.