Ni: Bella Gamotea

Sinisiyasat ng Parañaque City Police ang motibo sa pagpatay sa isang negosyante sa lungsod, nitong Huwebes ng gabi.

Isang tama ng bala sa ulo buhat sa hindi batid na kalibre ng baril ang tumapos sa buhay ni Roberto Sortonis, 55, ng No. 62 Cecilia Drive, Don Jose Green Court, Barangay San Dionisio, Parañaque City.

Inaalam pa ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek na magkaangkas sa motorsiklong hindi naplakahan.

National

VP Sara sa supporters matapos ang desisyon ng SC: 'Hinay-hinay lang sa celebration!

Sa ulat na ipinarating sa Southern Police District (SPD), naganap ang pamamaril sa Palanyag Road, Gatchalian Subdivision, tapat ng Don Jose Green Court Village, Bgy. San Dionisio, dakong 6:00 ng gabi.

Nakatayo ang biktima sa lugar nang sumulpot ang mga suspek, bumunot ng baril ang nakaangkas at binaril sa ulo si Sortonis.

Agad humarurot ang mga suspek sa hindi batid na direksiyon.