LUMAPIT ang reigning women’s champion De La Salle sa awtomatikong Finals slots, habang umusad sa semifinals ang men’s titleholder University of Santo Tomas sa UAAP Season 90 table tennis tournament kamakailan sa UP CHK Gym.

Nakopo ng Lady Paddlers ang 12-0 karta matapos bokyain ang University of the East at Adamson University sa parehong 3-0 desisyon.

Nalagpasan naman ng Growling Tigers ang matindings hamon ng University of the Philippines at Far Eastern University sa parehong 3-2 desisyon at hilahin ang winning streak sa 11 laro.

Kumpleto na ang Final Four cast sa women’s side tampok ang UST, FEU at UP.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

Nasa pangalawang puwesto ang Tigresses, nagwagi sa Ateneo at Adamson via similar 3-0 iskor, kipkip ang 10-2 karta, habang nanuwag ang Lady Tamaraws, kontra Lady Bulldogs at Lady Warriors via 3-0 panalo para sa 8-4 karta.

Matapos matalo sa Lady Falcons, 2-3, nakabangon ang Lady Maroons sa impresibong 3-1 panalo kontra Lady Bulldogs.

Kakailanganin ng Lady Paddlers na mawalis ang huling dalawang laro sa elimination para makausad sa best-of-three championship round.

Umusad ang NU sa men’s semifinals nang manaig sa Ateneo (3-0) at UE (3-1) para sa 9-3 karta.

Magkasosyo naman ang UP, UE at Adamson University sa three-way tie para sa iktlong puesto na may 7-5 karta.