ISANG buwang puno ng kilabot, saya at kaalaman ang hatid ng Aha Monster Fest ngayong Oktubre.

Tatlong ‘mini-movie’ ang itatampok tungkol sa tatlong ‘B’ na kagila-gilalas na mga halimaw sa lokal na mitolohiya na hindi pa masyadong kilala. Isa rito ang ‘Bungisngis’, mula sa kuwentong bayan ng Bataan, na isang pambihirang nilalang na tawa nang tawa at may iisang mata sa noo. Ang ‘Batibat’ naman ay mula sa mga kuwentong-bayan sa Ilocos, na umano’y matabang babae na dahan-dahang umuupo sa dibdib ng mga taong natutulog para magdulot ng bangungot.

AHA Monster Fest copy

Ngayong Linggo (Oktubre 8), tampok ang ‘Bal-bal’, nilalang mula sa mga kuwentong-bayan ng Tagbanua at probinsiya ng Quezon. Kaya raw nitong mag-iba ng anyo at mahilig kumain ng laman ng tao at nabubulok na bangkay.

Human-Interest

Nakaya pa! 70-anyos na senior citizen, nakaakyat sa Mt. Apo

Gagampanan ni Jeric Gonzales ang papel ni Baldo, binatang naghahanap ng kasagutan sa misteryong may kinalaman sa Bal-Bal sa kanilang lugar. Makakasama niya si Rolly Inocencio bilang taong-grasa.

Sa huling Linggo ng Oktubre, ipakikila ng Aha ang iba pang halimaw na bahagi rin ng mga kuwentong-bayan at mito ng Pilipinas.

Abangan ang mga ito sa 4-part special na Aha Monster Fest, kasama si Drew Arellano, ngayong Oktubre 8, 15, 22, at 29, 8:30 AM, sa GMA-7.