Ni: Bella Gamotea

Bahagyang nag-init ang ulo ng ilang motorista nang mahulog ang isang bulldozer mula sa trailer truck na nagdulot ng matinding trapik sa Parañaque City, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng Parañaque City Traffic Enforcement Unit, naganap ang insidente sa tapat ng compound ng First Balfour Equipment Rental, West Service Road ng South Luzon Expressway (SLEx), malapit sa Sucat Exit, Barangay Sucat ng lungsod, dakong 3:00 ng madaling araw.

Nabatid na minamaneho ni Henry Melet, nasa hustong gulang, ang trailer truck na pag-aari ng First Balfour Equipment Rental at isinakay dito ang bulldozer na nakatakda sanang dalhin sa Bicutan, Taguig City nang mawalan ng balanse at nahulog ang bulldozer.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Dahil dito, pansamantalang isinara sa mga motorista ang kahabaan ng West Service Road, mula Bicutan entry hanggang sa Sucat exit, na nagdulot ng matinding trapik.