VATICAN CITY (AP – Kinondena ni Pope Francis nitong Huwebes ang mga teknolohiyang nagpapadali sa pagbabago ng kasarian ng mga tao, sinabi na itong “utopia of the neutral” ay inilalagay sa panganib ang paglikha ng bagong buhay.
Sa komento ni Pope Francis sa Pontifical Academy for Life, ang bioethics advisory board ng Vatican, lalo niyang pinalakas ang pagbatikos sa tinatawag na gender theory at idea na maaaring piliin ng tao ang kanilang kasarian.
Tinuligsa ni Pope Francis ang pagdadakila sa individual choice na umabot na sa pagpili ng kasarian ng isang tao dahil sa technological advances. “Rather than contrast negative interpretations of sexual differences ... they want to cancel these differences out altogether, proposing techniques and practices that render them irrelevant for human development and relations,” aniya.
Ang mga ganitong gawain, aniya, “risk dismantling the source of energy that fuels the alliance between men and women and renders them fertile.’’