Ni: Reggee Bonoan

MAY nagtanong sa amin kung may iba pa raw bang show si Ritz Azul sa ABS-CBN bukod sa The Promise of Forever (TPOF) nila ni Paulo Avelino at Ejay Falcon na canned na at Banana Sunday. 

DANIEL AT KATHRYN copy

Wala siyang ibang show, pero baka naman may kasunod na project na ibibigay kay Ritz pagkatapos ng TPOF dahil hindi naman puwedeng napapanood nang sabay ang artista sa dalawang teleserye, bagamat nangyari ito kay Albert Martinez dahil nag-abot ang La Luna Sangre at The Good Son. Although namatay naman kaagad ang karakter ng aktor sa huli kaya technically isa lang ang serye niya.

Human-Interest

Nanay na sumunog sa 3 anak may problema sa mister, 'pakialamerang' biyenan?

Naniniwala kaming hindi pababayaan ng ABS-CBN si Ritz dahil gusto nila ang dalaga na maayos at magaan naman daw katrabaho. Saka six days a week naman siyang napapanood dahil may Banana Sunday siya tuwing Linggo at TPOF naman mula Lunes hanggang Biyernes.

 

Sa umeereng kuwento ng serye nina Ritz at Paulo bilang Sophia at Nicolas, mahal na mahal na nila ang isa’t isa pero maraming hadlang na hindi maintindihan ng dalaga sa pagkatao ng lalaking bumihag sa puso niya.

 

Kaya determinado na si Nicolas na hanapin ang gamot sa kanyang kundisyon para tuluyan nang magkaroon ng normal na buhay kasama ang babaeng iniibig.

 

Ngunit sa kabila ng muling pagkikita ng dalawa, lalong tumitindi ang panganib sa buhay ni Nicolas dahil kasama na rin si Philip (Ejay Falcon) ng grupong tumutugis at gustong pumatay sa immortal man sa pangunguna ng kanyang amain na si Marlon (Tonton Gutierrez) upang mabuo na ang miracle drug na makapagpapagaling sa lahat ng sakit.

 

Napapanood ang The Promise of Forever sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).