Ni: Liezle Basa Iñigo

Pansamantala ay mahigpit na ipinagbabawal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)-Region 2 ang panghuhuli, pagbebenta, at pag-e-export ng isdang ludong.

Nakasaad sa BFAR Administrative Circular No. 247 na closed season ngayong Oktubre hanggang sa Nobyembre 15 ang panghuhuli ng nasabing high-value fish.

Layunin ng fishing ban na mas maparami pa ang ludong sa nabanggit na panahon, at mabigyan ng pagkakataong makapangitlog sa tubig-alat ang mga buntis na ludong.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ipinagbabawal ang paghahango ng ludong sa buong Cagayan River, kasama na ang tributaries, headwaters, at watersheds sa may Abra River, at sa mga daluyan sa Ilocos Sur, partikular sa Santa River, at sa Cordillera region.

Nagpaalala ang BFAR na may karampatang parusa para sa sinumang mahuhuling lalabag sa fishing ban, kabilang ang pagmumulta at pagkabilanggo.