TOKYO (AFP) – Nangako ang public broadcaster ng Japan na babaguhin ang working practices nito kasabay ng pagbubunyag na isang batang reporter ang namatay sa heart failure matapos magtala ng 159 oras ng overtime sa loob ng isang buwan.
Ang NHK reporter na si Miwa Sado, 31, nag-uulat sa political news sa Tokyo, ay natuklasang patay sa kanyang higaan noong Hulyo 2013, habang hawak ang kanyang mobile phone. Sinabi ng mga awtoridad na ang kanyang pagkamatay ay may kaugnayan sa sobrang overtime. Sa loob ng isang buwan bago siya namatay ay mayroon lamang siyang dalawang day off.
Isinapubliko ng NHK ang kaso makalipas ang apat na taon. Binigyang-diin nito ang problema ng karoshi, o death from overwork sa Japan dahil sa mahahabang oras ng trabaho sa bansa.