Ni: Vanne Elaine P. Terrazola

Sa kabila ng maayos na harapan sa Senate inquiry tungkol sa fake news nitong Miyerkules, desidido si Senator Antonio Trillanes IV na magsampa ng kaso laban kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Margaux “Mocha” Uson.

“While I appreciate the friendly gesture of Ms. Mocha Uson to have a photo taken with me, it doesn’t change the fact that, as a senior public official, she committed criminal offenses that warranted the filing of multiple cases,” pahayag ni Trillanes. “Sa madaling salita, tuluy-tuloy lang ang mga kaso.”

Una nang sinampahan ni Trillanes ng mga kasong kriminal at administratibo si Uson dahil sa umano’y pagpapakalat ng “fake news” tungkol sa umano’y pagkakaroon ng senador ng bank accounts sa ibang bansa.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Gayunman, taliwas sa inaasahan, naging maayos ang pagkikita nina Trillanes at Uson sa pagdinig sa Senate committee on public information and mass media nitong Miyerkules.

Sa kabila ng magkaibang pananaw sa pamamahala ni Pangulong Duterte, naging maayos ang pakikitungo nila sa isa’t isa at nagbiruan pa nga.

Hiniling ni Trillanes kay Uson na iwasan ang pagpapakalat ng hindi kumpirmadong impormasyon at mga “hateful” na komento sa social media accounts nito. Inabisuhan niya rin si Uson na gamitin ang impluwensiya nito “in a positive way”.

Bilang sagot, sinabi ni Uson na siya ay “going to consider his suggestions on blogging”.