LOS ANGELES (Reuters) – Kinansela ni Jason Aldean ang kanyang tatlong show ngayong linggo bilang pagbibigay-respeto sa mga biktima ng pinakamadugong mass shooting sa modernong kasaysayan ng U.S. nang pagbabarilin ng isang lalaki ang mga nanonood sa Las Vegas music festival habang siya ay nagtatanghal.

Jennifer lopez copy

Iniurong ni Jason ang mga show niya sa Los Angeles, San Diego at Anaheim, California, na bahagi ng kanyang They Don’t Know Tour. Magpapatuloy ang tour sa Tulsa, Oklahoma, sa Oktubre 12 at magkakaroon ng refunds para sa mga nakanselang pagtatanghal.

“I feel like out of respect for the victims, their families and our fans, it is the right thing to do. It has been an emotional time for everyone involved this week, so we plan to take some time to mourn the ones we have lost and be close with our family and friends,” pahayag ni Jason nitong Martes.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Idinagdag ng singer na: “Our first time back onstage will be a very tough and emotional thing for us, but we will all get through it together and honor the people we lost by doing the only thing we know how to do -- play our songs for them.”

Nagtatanghal sa entablado si Aldean nitong Linggo ng gabi sa Route 91 Harvest country music festival nang magpaulan ng bala si Stephen Paddock sa mga tao sa konsiyerto mula sa bintana ng kanyang silid sa 32nd floor ng Mandalay Bay hotel, na ikinamatay ng 59 katao. Mahigit 525 iba pa ang nasugatan.

Kinansela rin ni Jennifer Lopez, kasalukuyang nasa kanyang Jennifer Lopez: All I Haver esidency sa Planet Hollywood sa Las Vegas, ang kanyang mga nakatakdang show ngayong linggo. Sa mga susunod na araw na itutuloy ang nasabing mga pagtatanghal.

“Jennifer is heartbroken that such a senseless tragedy occurred. Her thoughts and prayers are with the victims and their families,” pahayag ng mga kinatawan ng singer nitong Martes.

Inihayag ng organizers ng Austin City Limits Music Festival sa Texas nitong Martes na mag-aalok sila ng refunds sa mga taong ayaw nang dumalo dahil sa pangamba sa seguridad pagkatapos ng Las Vegas shooting.

Hindi rin itinuloy ng Warner Bros. ang red carpet para world premiere ng sci-fi film naBlade Runner 2049 -- starring Ryan Gosling atHarrison Ford -- nitong Martes dahil sa trahedya sa Las Vegas. Sa halip na red carpet, na ang mga bituin ay nakikipag-usap at nagpapakuha ng litrato sa reporters, ginawa na lamang na simple ang okasyon.

Ang Monday Night Football ng ESPN at ang Monday episode nitong ng Dancing With the Stars ng ABC ay parehong nag-alay ng sandaling katahimikan para sa trahedya.