Ni: Jimi Escala

KAMAKAILAN lang isinampa ni Sen. Antonio Trillanes IV ang patung-patong na kaso kay PCOO Asst. Secretary Mocha Uson.

Bunsod ito ng isang post ng huli tungkol sa sinasabing bank accounts diumano ng magiting at matapang na senador.

Inireklamo ni Sen. Trillanes sa Ombudsman ang dating sexy star ng libel, graft, falsification of public documents at paglabag sa code of ethics ng isang public official.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Pero sa isinagawang Senate hearing tungkol sa pagkalat ng fake news last Tuesday, nagpakuha pa ng picture si Mocha kay Sen. Trillanes sabay sabing ang gandang lalaki raw pala ng senador sa personal.

Pero sa totoo lang, maraming taga-showbiz ang hindi natutuwa, lalung-lalo na ang isang sikat na showbiz personalty, sa naturang Senate hearing sa fake news. Kahit fake news daw pala, pinagkakagastahan na rin ng pera ng bayan.

“Religiously, eh, nagbabayad tayo ng buwis pero d’yan lang ba mauuwi ang ibinabayad natin? Ano’ng pakialam d’yan ng mga ordinaryong tao o ‘yung simpleng office worker lang? Sa totoo lang naman, eh, ang nakikinabang lang sa ginagawa nila d’yan, eh, ‘yung mga taong mahihilig sa social media at siyempre ‘yung mga senador na nagpapabango o naglilinis lang ng mga pangalan nila,” sey ng aktres na halos araw-araw ay napapanood sa isang afternoon TV series.

Dagdag himutok pa rin ng beteranang aktres, sana raw ay pagbuhusan na lang ng pansin ng mga senador ang iba pang mas importanteng problema ng bansa lalung-lalo na ang problema sa trapiko, ang lalong dumaraming squatters at mga kababayan nating lalong naghihirap.