Ni: Noel D. Ferrer
SA panahon ngayon, hindi na isyu ang paglalantad ng tunay na pagkatao.
Actually, para sa millennials, #authenticself na ang nagiging buzzword.
Kaya naman hindi na ako nagulat sa aktor na ito na medyo malapit din naman sa akin, halos lumaki at umunlad sa showbiz sa harapan namin simula noong nasa produksiyon pa ako.
Nakilala o sumikat ang love team nila noon ng isang aktres pero noon pa man ay mayroon nang bali-balita tungkol sa kanyang extra-curricular activities -- na suma-sideline sa kapwa lalaki.
Recently, isang singer-actor ang na-link sa kanya pero hindi na ito masyadong napag-usapan -- dahil hindi naman makakatulong sa kanilang status sa industriya.
Meron pa ngang balita ang isa naming kaibigan na mahilig daw itong mag-comment sa social media at doon nakakapag-hook up sa mga taong gusto niya.
Isa na rito ang isang kaibigan na niyaya niya sa ibang bansa at doon sila nagkaniig at nagpakaligaya.
Sabi ng isang kilalang aktres, “Happy naman ako sa kanya if ever mag-come-out siya, dahil at least wala siyang babaeng ginamit at tinatakan na ka-steady date niya.”
Ingat na ingat lang ang nasabing aktor sa kanyang anak kaya hindi siya lubusang makapagladlad.
In time, I guess. #LoveWins