Ni: Marivic Awitan

Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

7 n.g. -- Meralco vs. Star

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

MAKAHIRIT kaya ang Star Hotshots o tuluyan nang mawalis ng Meralco Bolts ang kanilang semi-final duel sa PBA Governors Cup? Aabangan ang senaryo sa paglarga ng Game Three ng kanilang best-o-five playoff series ngayon ganap na 7:00 ng gabi sa Smart-Araneta Coliseum.

Tangan ng Bolts ang 2-0 bentahe sa serye matapos gapiin ang Star sa Game Two,98-74, matapos ang kanilang 72-66 na tagumpay sa Game 1 sa pamumuno ng nakaraang linggong PBA Press Corps Player of the Week na si Jared Dillinger kasama sina Ranidel de Ocampo at import Allen Durham na nagsipagtala ng tig -18 puntos.

Bagama’t halos naging perpekto ang ipinakita nilang laro noong Game 2, batid ng Bolts na hindi magiging madali para sa kanila ang wakasan ang serye sa pamamaraang inaasahan ng mga tagahanga.

“Sana maulit namin yung ganung laro, yung halos perfect, “ pahayag ni de Ocampo na tinutukoy ang magandang depensa sa kabuuan ng Game 2 kung saan nalimitahan nila ang shooting ng Star hanggang 32 porsiyento na sinabayan nila ng mainit ding opensa.

Sa panig naman ng Hotshots, magiging malaking hamon para sa kanila ang pagkawala ng isa sa mga ace guard nilang si Paul Lee na hindi na nila makakasamang maglaro dahil sa paglala ng iniinda nitong injury.