Ni: PNA

PAGBABAKUNA pa rin ang pinakaepektibong paraan upang maiwasan at makontrol ang Japanese encephalitis (JE), ayon sa Philippine Pediatric Society (PPS) at Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines (PIDSP).

Sa isang pahayag, sinabi ng dalawang grupo na habang sumasang-ayon sila na ang mga naturang paraan, gaya ng vector control at personal protective measures, ay maaaring maging kapaki-pakinabang, “JE vaccination is the only method proven highly effective for prevention”.

Sumang-ayon ang Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases (PSMID), at sinabing ang pagbabakuna ay dapat na bahagi ng estratehiya para maiwasan at makontrol ang Japanese encephalitis, bukod sa vector control, surveillance at clinical management.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Nakalinya ang mga rekomendasyong ito sa World Health Organization (WHO) position paper na nagsasaad na ang pagbabakuna sa tao ang pinakaepektibong paraan upang mabawasan ang krisis sa JE.

Ang pagbabakuna laban sa JE ay naging bahagi ng Childhood Immunization Calendar ng PPS at PIDSP simula pa noong 2016 at patuloy na inirerekomenda sa mga siyam na buwan pataas.

Batay sa mga report ng WHO, aabot na sa 3 bilyon nabubuhay na tao ang delikadong mahawahan ng JE, kabilang ang 24 na bansa sa Southeast Asia at sa rehiyon ng Western Pacific. Sa Pilipinas, tumaas ang bilang ng kaso ng JE.

Ayon sa WHO, ang Japanese encephalitis virus ay may kaugnayan sa dengue, yellow fever at West Nile viruses, at naipapakalat sa pamamagitan ng kagat ng lamok. Kabilang sa sintomas nito ang pagkakaroon ng lagnat, pananakit ng ulo, paninigas ng leeg, kalituhan, panginginig, at spastic paralysis. Nakamamatay ang halos 30 porsiyento ng kaso, habang 20-30 porsiyento ng mga nakaligtas sa sakit ang dumanas ng permanenteng kakulangan sa abilidad.

“JE is endemic in the Philippines with a year-round transmission,” lahad ni Dr. Mari Rose delos Reyes, presidente ng PSMID. “It’s important to introduce vaccination because when there is higher coverage of population which is vaccinated, eventually you will see over time the decrease in the prevalence of the disease.”

Samantala, binalaan naman ni Dr. Sally Gatchalian, bise presidente ng PPS, ang publiko na huwag bumili ng bakuna sa mga hindi awtorisadong magbenta, lalo na online.

“When mothers come to us and they have the vaccines in their bags or pockets, we do not administer the vaccine because we are not sure of the cold chain,” aniya.

Ang maling paghawak o maling pagtatago sa bakuna ay hindi epektibo, ani Gatchalian, at idinagdag pang mas makabubuti kung kukonsulta sa mga doktor tungkol sa wastong pagbabakuna.