Ni LIEZLE BASA IÑIGO

Kaagad na namatay ang isang dating bise alkalde ng Amulung, Cagayan matapos na pagbabarilin habang bumibiyahe sakay sa kanyang motorsiklo sa Tuguegarao City, kahapon ng umaga.

Sa report na nakuha ng Balita mula kay Supt. Edward Guzman, hepe ng Tuguegarao City Police, sakay si Alexander Pascual, dating vice mayor ng Amulung, sa kanyang motorsiklo at pauwi sa Amulung bandang 6:25 ng umaga nang pagbabarilin ng mga armado na sakay sa Mitsubishi Adventure sa Barangay Carig, Tuguegarao.

Sinabi ni Supt. Guzman na posibleng may kinalaman sa pulitika o love triangle ang motibo sa pagpatay sa dating bise alkalde.

Probinsya

10-anyos na batang babae, natagpuang patay; basag-bungo, walang saplot pang ibaba