Ni NOEL D. FERRER

OPISYAL nang nag-back out ang This Time I’ll Be Sweeter (Regal Films) directed by Joel Lamangan na pinagbibidahan nina Barbie Forteza at Ken Chan sa November 1 playdate to give way to the showing of Ghost Bride (Star Cinema) directed by Chito Roño tampok si Kim Chiu.

KEN AT BARBIE copy copy

Sinasabing uurong ng Nov. 8 or 15 playdate na ang Barbie-Ken movie, at ang matitirang magbabanggaan sa Nov. 1 playdate ay ang Ghost Bride at Spirit of the Glass 2 ng OctoArts Films directed by Joey Reyes starring Cristine Reyes, Daniel Matsunaga, Maxine Medina at marami pang iba. 

Mga Pagdiriwang

ManilART 2024: Alamin ang iba’t ibang sining na tampok dito

Matutuloy kaya ang banggaan ng dalawang horror films na ito? 

In an ideal situation, maganda sanang isali ang dalawang pelikula sa Metro Manila Film Festival 2017 lalo na’t wala pang horror film na napipili. 

The reality is, parehong isinali ang naturang horror film sa script submission ng MMFF 2017 pero hindi sila napasama sa unang apat na napili. They could very well quality sana sa finished films, kaya lang may dalawa nang entry ang Star Cinema -- ang pelikula ni Vice Ganda at ni Coco Martin, and the MMFF rules say na dalawa lang dapat ang maximum na puwedeng entry ng bawat production company. 

As for OctoArts, it just has Meant To Beh starring Vic Sotto and Dawn Zulueta for the MMFF kaya puwedeng-puwede pa nilang isali ang Spirit of the Glass 2. The only thing is that gusto sana ni Boss Orly Ilacad na mag-concentrate na lang sa Vic Sotto film at magka-stand-alone ang MMFF playdate sa kanyang horror film sana. 

As of now, it still stands na dalawang horror films ng dalawang master filmmakers ang magbabangaan. Ang official word ng Regal ay, “Since walang magbibigayan, sila na ang nag-give away sa napipintong 3-way-showdown sana sa box office.” 

But it might also be beneficial sa Regal, to give them more time to market and promote the Barbie-Ken movie dahil parang hindi visible ang mga bida. 

Ang magandang aabangan dito ay kung papayagan ng ABS-CBN na makapag-promote ang stars ng Spirit of the Glass 2 sa Kapamilya network. 

For sure, Cristine Reyes will do the rounds of promo for her Star Cinema film na Seven Sundays pero will she be allowed to mention her OctoArts movie? That remains to be seen.