Ni: Marivic Awitan
Laro Ngayon
(Filoil Arena, San Juan)
12 n.t. -- AU vs CSB (jrs)
2 n.h. -- AU vs CSB (srs)
4 n.h. -- Mapua vs UPHSD (srs)
6 n.h. -- Mapua vs UPHSD (jrs)
ISANG hibla na lamang ang pinanghahawakan ng Arellano University para manatiling nakagunyapit ang kampanya sa Final Four at pipilitin nilang buhayin ang sisinghap-singhap na laban sa pakikipagtuos sa sibak ng College of St. Benilde ngayon sa 93rd NCAA basketball tournament sa Filoil Arena sa San Juan City.
Nalagay sa balag nang alanganin ang laban ng Chiefs matapos mabigo sa San Beda Red Lions -- nagwalis sa kanila sa nakalipas na championship -- 72-83 sa nakalipas na linggo para bumagsak sa 5-9 karta.
Kakailanganin ng Arellano na mawalis ang huling apat na laro kabilang ang duwelo ngayon sa St. Benilde (3-12) ganap na 2:00 ng hapon. Sunod nilang haharapin ang San Sebastian sa susunod na Martes at Perpetual Help at Mapua U sa Oct. 20.
Nangunguna ang Lyceum of the Philippines University (15-0) kasunod ang San Beda (14-1), matapos makalusot sa Perpetual Help, 55-50, nitong Martes sa FilOil Center sa San Juan.
Hataw sina Robert Bolick at Donald Tankoua sa San Beda sa naiskor na 15 at 14 puntos, ayon sa pagkakasunod.
Tumatag naman ang Jose Rizal College sa No.3 spot tangan ang 9-6 karta matapos magwagi sa St. Benilde, 90-77.
Nakabuntot ang Letran (8-7), San Sebastian (7-7) at Emilio Aguinaldo College (6-9).
“Must win for us,” sambit ni AU coach Jerry Codinera. “We have to play as a team and not rely on just one or two players,” aniya.
Magtutuos naman ang pareho nang sibak na Perpetual Help (4-10) at Mapua (2-12) ganap na 4:00 ng hapon.
Iginiit ni San Beda coach Boyet Fernandez na madalas pa rin na ‘inconsistent ang mga players at hindi sila mananaig sa mas malakas na koponan sa ganitong pamamaraan.
“We only had 11 assists, which is far from the way San Beda plays. We just didn’t execute,” sambit ni Fernandez. “I also have to give credit to Perpetual Help, which has always been one of the league’s best in defense.”
Iskor:
(Unang laro)
Jose Rizal(90) - Mendoza 19, Teodoro 16, Gropse 14, Abdul Razak 12, dela Virgen 9 David 8, Sawat 5, Lasquety 4, Poutouochi 3, Castor 0, Mariano 0, Mate 0
CSB (77)- Leutcheu 25, San Juan 14, Domingo 10, Dixon 9, Belgica 7, Naboa 6, Johnson 3, Suarez 2, Castor 1, Pili 0, Sta. Maria 0, Velasco 0, Mercado 0
Quarterscores: 21-20; 51-35; 67-59; 90-77
(Ikalawang laro)
San Beda (55)- Bolick 15, Tankoua 14, Soberano 9, Mocin 8, Cabanag 6, Noah 3, Abuda 0, Adamos 0, Bahio 0, Doliguez 0, Oftana 0, Presbitero 0, Tongco 0
Perpetual Help (50) - Coronel 9, Eze 9, Pido 9, Eze 8, Ylagan 7, Sadiwa 3, Lucente 2, Yuhico 2, Mangalino 1, Singontiko 0, Tamayo 0
Quarterscores: 11-11; 27-19; 43-34; 55-50