Ni: Francis T. Wakefield

Kinumpirma kahapon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pagkakasagip sa 17 pang katao na hinostage ng Maute Group sa Marawi City.

Sinabi ni Lorenzana na ang mga bihag ay binubuo ng siyam na lalaki at walong babae na nasa edad 18-75, at nasa pangangalaga na ngayon ng militar.

“Yes, it is true that 17 more hostages were rescued in Marawi: 9 males and 8 female ages ranging from 18 to 75. (But) details of the rescue is confidential because efforts to rescue the remaining hostages are ongoing,” sabi ni Lorenzana.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Una nang sinabi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Joint Task Force Marawi na aabot sa 45-50 sibilyan ang bihag pa rin ng mga terorista.