Ni NOEL D. FERRER

TRIUMPH sa publicity at PR ang nagaganap na diskusyon, sa umpukan man o sa social media, ang feature ng transformation ni Marlou Arizala para maging Xander Ford.

If at all, naging successful sa pagpo-promote ang naging transformation na ito sa The ICON Clinic pati na ng John Crespo Dental Center, Jinju soaps, Prettylooks eyebrows, Sandrea Lee Salon at pati na ng Star Image Artist Management.

Ngunit napag-alaman naman na inilapit din pala ito sa Kapuso Mo, Jessica Soho at pagkatapos suriin ang kaakibat na proseso sa istorya ng transformation ni Marlou, minarapat na lang nilang bigyan ng babala ang mga tao sa repercussions at side effects ng cosmetic surgery.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

Inere din nila ito noong Linggo bilang pambalanse sa ingay sa social media ng istorya ni Xander Ford.

Hindi maitatanggi na isa itong attempt para mabura sa alaala ng mga tao ang documented failed surgery ng The Icon Clinic sa kaso noon ni Shirtl Saturnino.

Ang namahala ng transformation ni Xander Ford ay si Dr. Samuel Yapjuangco ng The Icon Clinic. Isa si Doc Yapjuanco sa surgeons na nag-handle ng operation kay Shiryl Saturnino who died in the middle of the surgery.

Si Shiryl was in the middle of liposuction, breast, and butt surgery conducted by Dr. Yapjuangco and Dr. Jose Jovito Mendiola when she died.

The two cosmetic surgeons faced cases of reckless imprudence resulting in homicide due to the failed surgery, but the authorities did not file charges anymore against the staff and personnel of the Icon Clinic.

Magandang pag-isipan ito sa gitna ng ingay at hype sa social media (na balita nami’y malamang ay may sequel pa sa Rated K ulit sa mga susunod na Linggo). Dahil ba sa matagumpay na transformation ni Marlou, nabura na nga ba ang kaso ng namatay na pasyente ng nasabing clinic noon?

(For your comments, opinions and contributions, you can message me on IG and FB, or tweet me at @iamnoelferrer.)