Ni NOEL D. FERRER
NAKAKALUNGKOT ang nangyari sa Las Vegas na sinasabing pinakamalaking mass shooting sa Amerika.
With 59 dead and more than 500 injured, nakakabahala ang nangyari sa Mandalay Bay at nabulabog ang buong Las Vegas strip.
Isa sa mga tinawagan namin agad si Lani Mislaucha na kababalik pa lang ng Las Vegas kung saan na siya naka-base kasama ng kanyang pamilya.
“Thank you for all your concern, we are safe. Nakakaloka lang ang nangyayari rito,” sabi ni Lani.
“’Yung brother-in-law namin na si Dom na husband ni Karlyn (na dati ring naging artista), nag-alala kami. ‘Buti na lang nakatakas agad sa Mandalay. Doon s’ya nag-work, safe na sya. ‘Buti naman,” dagdag ni Lani.
Pre-mature naman daw na pag-usapan kung isa itong terrorist attempt at destabilization, pero malamang i-review ang gun control laws in the U.S. dahil dito.
“May takot pa rin ang mga tao rito. Hindi makapaniwala sa mga nangyari. Ingat ang mga tao sa The Strip ngayon.
Salamat sa concern. Ipagpatuloy natin ipagdasal ang kapayapaan sa mundo,” pagtatapos ni Lani.