Ni DINDO M. BALARES

TATLONG araw sa isang linggo na ang shooting ni Coco Martin sa Ang Panday. Paspasan na ang trabaho ng aktor, direktor, at producer para hindi magahol sa oras at umabot sa deadline ng submission ng movie sa Metro Manila Film Festival.

COCO, NAGBIBIGAY NG INSTRUCTIONS KINA JAKE AT MARIEL copy

Bagamat October pa lang, nagdagdag ng sinusunod na shooting days si Coco. Kung once or twice a week noon, ngayon ay three times a week na.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Sabi ng source namin sa CCM Productions, ang bagong movie outfit ni Coco, palaki nang palaki ang mga eksenang kinukunan nila. May mga eksenang inaabot ng dalawang araw bago matapos.

Nalaman din namin sa source na bukod sa pagiging bida, direktor, at producer ay si Coco na rin halos ang nagsusulat ng script.

“Consistent si Coco sa pagiging mabusisi, walang mintis. Akala namin, sa una lang. Pero habang tumatagal, mas nagiging istrikto siya sa detalye ng pelikula. ‘Pag report niya sa location, may mga bago siyang ideas na baon,” sabi ng production staff.

Naisulat namin kamakailan na umaabot na 80 ang mga artistang kasama sa Ang Panday, kaya walang duda na ito ang biggest entry sa MMFF 2017. Tinitiyak pala ni Coco, bilang scripwriter at direktor na hindi basta-basta cameo roles lang gagampanan ng mga kasama niya.

“May katuturan, bahagi sila ng kuwento. Kahit malaki o maliit, mapapansin sila at tatatak. ‘Yun ang sinasabi ni Coco kapag gusto niyang kunin ang isang artista sa Ang Panday.”

Consistent si Coco. Kung bilang aktor ay ayaw niya ng “puwede na”, lalo na bilang direktor.

“Pampamilya, aksiyon, drama, katatawan at horror ang mga sangkap sa pelikulang inihahanda ni Coco sa Ang Panday,” sabi pa ng source.

May napatunayan na bilang aktor, halatang ngayon naman ay may gusto ring patunayan si Coco bilang direktor.

As a filmmaker, gagamitin ni Coco ang Rodel Nacianceno, ang tunay niyang pangalan.