NI: Reggee Bonoan

SINADYA naming itanong kay Vivo Ouano pagkatapos ng presscon ng sex-comedy play na Solo Para Adultos (For Adults Only) ng Red Lantern Productions ang nasulat na ayaw niyang magkaroon ng talent manager lalo na kung bading dahil gusto siyang gawing boyfriend o dyowain.

Vivo copy copy

Hindi naging maganda ang dating nito sa lahat ng gay talent managers, lumalabas nga naman na hinusgahan na sila kaagad ng aktor na produkto ng Starstruck Season 3 ng GMA-7.

Human-Interest

ALAMIN: Bakit ikinukulong sa Sistine Chapel ang mga cardinal sa pagpili ng bagong Santo Papa?

Sabi ng kilalang gay talent manager, “Nakakasakit siya, ha? Bakit, gaano ba siya kaguwapo para nasabi niya ‘yun? Nasa talent naman ‘yun kung papayag siya, sana hindi niya nilalahat kasi nakaka-offend ‘yun. Good thing wala akong naging dyowang talent ko kasi ayaw ko para hindi masira ang relasyon namin.”

“Namali lang po ang sinabi ko,” paliwanag ni Vivo, “hindi lang nagkaintindihan.”

Marami pala kasing nagprisintang maging manager niya at ang kapalit sa pagsikat ay maging boyfriend siya.

“Matagal na ‘yun, bago pa lang ako no’n, teen pa ako no’n, Starstruck days pa,” aniya.

Dahil nga sa nangyaring iyon, hindi na nagkaroon ng manager si Vivo hanggang ngayon.

“Wala namang naging trauma, kung baga gusto kong sumikat sa kakayanan ko, gusto ko kukunin nila ako kasi kaya ko.

Hindi ko ipipilit kung ayaw nila sa akin, ‘yun sana ang gusto kong iparating,” paliwanag ng isa sa cast ng Solo Para Adultos.

Paano siya nagkakaroon ng projects, tulad ng Wildflower sa ABS-CBN at itong sex-comedy play (mapapanood sa Music Museum sa October 20, 8PM) kung wala siyang manager?

“Nag-o-audition ako kapag nababalitaan ko, tina-try ko tulad sa ABS (-CBN), first ko sa Langit at Lupa (2016), nag-audition,” saad ng aktor.

Aniya, magaling mag-handle ng talents ang ABS-CBN dahil matututo sa lahat ng bagay.

Itinanong din namin ang balitang nakulong siya dahil sa droga noong 2011.

“Do’n ako naglie-low, nawala ako. Dismiss ang kaso, nadamay lang ako. ‘Yun nga lang talagang natagalan ang proseso.

Tatlong buwan din akong nakulong sa Crame, wala akong record kasi dismiss, eh. ‘Pag dismiss walang record, wala lahat,” kuwento ni Vivo.

Paano siya nadamay?

“’Yung isa lang kasi ang hinahanap nila roon, ‘yung bahay ang may-ari, friend ko talaga, marami kaming nadamay lang.

‘Yung kaibigan kong dinala ko ro’n para mag-gym, nadamay lang din. Bata ako no’n, hindi ko alam ang gagawin ko.

“Malinis ako, negative nga ako sa drug tests ‘tapos wala rin akong kaso, pero naninigarilyo ako kasi pampagising ko ‘yun lalo na ‘pag nasa taping,” kuwento ng aktor. “Saka vape ang ginagamit ko, electric cigarette gamit ko.”

Nagdesisyon bumalik ng showbiz si Vivo, “No’ng na-stable ko na ‘yung business namin ng wife ko para may fallback ako kasi hindi ko rin naman kung hanggang kailan ako sa showbiz. Para if ever na hindi para sa akin ang showbiz, may business kami.”

Si Vivo at ang wife niyang si Jay Anne Bautista ay contractor ng school supplies sa DepEd. May dalawang anak sila, 2-year-old na babae at 2-month-old na lalaki.

Ang kinabibilangan niyang play na SoloPara Adultos ay inspired ng mga play ng Spanish playwright/filmmaker na si Pedro Almodovar.

Kasama ni Vivo sina April “Congratulations” Gustilo, Mosang, JV San Miguel at ang Mr. Gay World 2017 na si John Hernandez Raspado.