Ni: Nitz Miralles
INAAWAY si Tommy Esguerra ng fans ng dati niyang ka-love team at ex-girlfriend na si Miho Nishida dahil sa ibang ka-date ni Tommy sa Star Magic Ball.
Sabi raw kasi ni Tommy, si Luis Hontiveros ang makakasama niya, pero dumating siya na ang kasama ay si Kelley Day na ang nakasulat sa display picture ng social media account ay artist at talent ng Prima Stella MGT. Matatandaan na ex-girlfriend ni Iñigo Pascual si Kelley kaya sila ang magka-date last year sa Star Magic Ball.
Kahit nagpaliwanag si Tommy ng, “Last minute kasi ang decision for us to go together! Life happens!” marami pa rin sa fans nila ni Miho ang hindi naniniwala. Inakusahan pa siyang matagal na niyang girlfriend si Kelley.
Siguradong nababasa ni Tommy ang galit na messages at komento sa kanya ng fans, pero hindi na siya sumagot kahit nasasaktan sa mga itinawag sa kanya. May mga nagbanta pang ia-unfollow siya sa social media dahil sa kanyang diumano’y pagsisinungaling.
In fairness, hindi naman solo si Miho sa Star Magic Ball dahil ka-date niya si JV Kapunanna nali-link naman sa kanya. Pero wala namang fans na nang-aaway kay Miho.