Ni: Rommel Tabbad

Itataas ng Social Security System (SSS) ang pensiyon ng mga retirado nitong miyembro sa 2022.

Ayon kay SSS President Emmanuel Dooc, plano nilang ipatupad ang P1,000 pension increase bago matapos ang termino ni Pangulong Duterte.

Aniya, mag-e-expand ang membership sa kanila ng milyon, kada taon dahil inaasahang maraming mabibigyan ng trabaho sa ilalim ng proyektong “Build, Build, Build” ng pamahalaan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Inaasahan ng SSS na madadagdagan ng mahigit isang milyon ang mga trabaho sa bansa, dulot ng programa.

Pinaplano rin ng SSS na ibenta ang P3.45-bilyon real estate property nito hanggang 2022 upang mapalaki pa ang kita ng ahensiya.

Dagdag pa ni Dooc, tataas ang contribution rate ng mga miyembro pagpasok ng 2018, na mahigit 12.5 porsiyento ng buwanang sahod ang magiging kontribusyon, para magamit ang pension fund ng mga manggagagawa sa pribadong sektor, at madagdagan ang pensiyon ng mga retirado.