Ni NOEL D. FERRER

MUKHANG lipas na ang sinabing pagmamarakulyo ng megastar sa non o late invitation sa kanya sa Star Magic Ball. 

Naglabasan na lahat ng coverage at dumalo ang ibang stars na hindi mo aakalaing nandoon din kahit walang kinalaman sa Star Magic kaya pinag-uusapan pa rin kung paano nakaligtaan ang megastar. 

Sharon copy

Human-Interest

26-anyos na nabaon sa ₱2M na utang, nilalayuan na raw; netizens, relate-much

Sabihin mang noong mga nakaraang taon ay nabibigyan naman siya ng imbitasyon pero hindi naman nakakadalo, meron ding mga ganoon ang sitwasyon at tanda lang ‘yun ng pagpapahalaga. 

Ang isang lumutang na dahilan ay baka hindi nila alam kung saan ipapadala ang “last minute” invitation dahil diumano’y nag-iba ng address ang megastar from Wack Wack to Laguna to Alabang, eh, bakit naman ang study materials niya sa The Voice at sa ibang ABS-CBN events ay nakakaabot sa kanya at bakit tila “nawala” sa hulog itong imbitasyon na ito? 

Kahit ako mismo ay nasaktan nang mabasa ko ang mga komento tungkol kay Sharon, kaya naging vocal ako sa naging saloobin ko rito. 

KAHIT KONTING PAGTINGIN... RESPETO

Masakit mabasa sa diyaryo at sa social media ang reaksiyon sa megastar ngayon - halimbawa - “Sharon sobra ang tampororot sa Star Magic Ball, pathetic, laos na at nagpapapansin.” (Maaaring napakabukas at tapat siyang maghayag sa social media pero aminin natin, meron pang mas matitinding naglalabas ng hinaing nang walang batayan kaysa sa kanya.) 

Sana’y sikapin nating unawain ang pinagdadaanan ng kapwa natin bago tayo manghusga at makasakit ng loob. Ang mainam na matutunan sa pangyayaring ito ay ang pagpapahalaga at pagtanaw ng kabutihan. Simpleng kahilingan lang naman ito lalo na sa tulad ni Sharon Cuneta na nag-alay ng kanyang buhay sa sining upang magbigay inspirasyon, magturo at magpaligaya sa ating lahat. 

Ang respeto ay kakambal ng utang na loob.

Napakahirap bang maging mabuti sa taong mahal tayo?

Siguradong maraming natutuhan si Sharon sa nangyayaring ito sa kanyang buhay, lalo na ang paggamit ng social media na ibang mundo talaga.

Pero tayong mga netizens din, sana hindi natin makalimutan ang kabutihang loob sa panahon ng trolls at fake news.