Ni Aaron B. Recuenco

Hinahangaan ng mga hepe ng pulisya sa buong mundo ang kampanya ng gobyerno ng Pilipinas kontra droga, at sa katunayan ay nais ng mga itong gayahin ang drug war para sa kani-kanilang mga bansa.

1,024 Caloocan police meets with PNP Chief Ronald Dela Rosa for a re-training and re-orientation program at the NCRPO in Camp Bagong Diwa Taguig City, after they were relieved from their posts following the string of killings of minors in their area.(photo by ali vicoy)
1,024 Caloocan police meets with PNP Chief Ronald Dela Rosa for a re-training and re-orientation program at the NCRPO in Camp Bagong Diwa Taguig City, after they were relieved from their posts following the string of killings of minors in their area.(photo by ali vicoy)

Inihayag ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa na sinabi ng mga counterpart niya sa International Police (Interpol) meeting ang paghanga ng mga ito sa drug war sa Pilipinas.

Human-Interest

Higanting coral, naispatan; mas malaki pa raw sa blue whale?

“They admire us, the Interpol. All the police forces in the world, they admire the way we do it (anti-drugs war),” ani dela Rosa sa panayam.

Nakasalamuha ni Dela Rosa ang kanyang mga kapwa hepe ng pambansang pulisya sa apat na araw na pagpupulong sa Beijing, China.

“They like it because they said the problem of illegal drugs is not only in the Philippines, it is all over the world,” lahad ni dela Rosa. “They want to copy it, but they are having difficulty.”

Isa sa mga interesado na gayahin ang anti-drugs war sa Pilipinas, ayon kay dela Rosa, ay ang chief of police ng Indonesia.

Ilang buwan nang umaani ng batikos ang drug war ng Pilipinas mula sa iba’t ibang lokal at pandaigdigang grupo, at maging mga bansa, dahil sa umano’y pagiging brutal nito, na nakatuon lamang umano sa mahihirap.

Ayon sa pinakabagong datos, mahigit 3,800 hinihinalang tulak at adik ang napatay mula nang simulan ang drug war noong Hulyo 2016.

Batay sa datos ng PNP, mahigit 15,000 pagpatay ang naitala simula noong Hulyo nang nakaraang taon ngunit kakaunti lamang sa mga ito ang kumpirmadong may kinalaman sa ilegal na droga.